Monday, January 20, 2014

#NoToElectricityPriceHike


Dagdag singil ng Meralco na P4.15 kada kilowatt hour, tinutulan ng marami

Nagrali ang grupong Gabriela sa tapat ng Energy Regulatory Commission o ERC, noong Disyembre 9, 2013 (Ang Bayan, 2013). Ang layon ng rali ay protesta laban sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco (Ang Bayan, 2013). Sinasabing ang pagtaas na P4.15 kada kilowatt hour ay mag-uumpisa ng buwan ng Disyembre 2013 hanggang Marso ng taong kasalukuyan (Ang Bayan, 2014). Ipinatigil ng Korte Suprema ang pagtataas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco), dalawang linggo matapos pahintulutan ng Energy Regulatory Commission o ERC (Balitang Pinoy, 2013). Ayon sa desisyon ng Korte suprema, hindi maaaring magpataw ng karagdagang P4.15 kada kilowatt hour na singil sa kuryente ang Meralco sa loob ng dalawang buwan o anim na pung araw (Balitang Pinoy, 2013). Sa ika-21 ng Enero taong kasalukuyan nakatakdang dinggin ng korte ang kasong ito (Balitang Pinoy, 2013).

Upang masupil ang napaka­laking pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ay inihayag ni Chairman House Committee on Energy Oriental Mindoro Representative, Reynaldo Umali ang paggamit ng Malampaya funds (philSTAR, 2014). Ayon kay Chairman Umali, masyado na diumanong malaki ang P4.15 kada kilowatt hour na pagtaas ng singil sa kuryente (philSTAR, 2014). Su­balit hindi naman direktang masagot ng kongresista kung magkakaroon ng paglabag sa batas dahil ang ‘Malampaya funds’ ay nakalaan lamang para sa pagpapalakas ng enerhiya (philSTAR, 2014).




Kung magpapatuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente, maraming mga kababayan natin ang mas lalo pang maghihirap. Marami ang halos hindi na makaka kain dahil sa katunayan hindi pa man nagtataas ang singil sa kuryente ay marami ng mga Pilipino ang naghihirap at halos wala ng makain. Lalo pa kung magtataas ang singil sa kuryente. Baka ang mangyari ay tuluyan na lamang na kandila ang kanilang gagamitin sa tuwing sasapit ang dilim. Hindi ba’t masakit isipin na mayroong ilang kalahi natin ang nagtitiis na kandila lang ang nagsisilbing liwanag sa tuwing sasapit ang dilim. Habang ang iba ay nagpapakasasa sa hindi naman nila pinagpawisan at kinurakot lamang nila.

Kung titignan ang pangyayaring ito ayon sa paningin ng isang bata, masyadong naaapi ang mga walang anoman sa buhay. Dahil kung ipagpapatuloy nila ang pagtaas ng singil sa kuryente, para na rin nilang sinabing mamatay na ang mga mahihirap at walang halaga sa bansang ito. Ang kailangan ng ating bansa ay pagbabago, pagbabago sa sistema ng gobyerno. Ang mabawasan ang naghihirap, hindi dagdagan o lalo pang pasakitan ang mga mahihirap.


https://twitter.com/UNTVweb



#CHANGE
#NoToElectricityPriceHike
#WeOPPOSEtheElectricityPriceHike
#CANDLING


References:




No comments:

Post a Comment