Monday, January 27, 2014
Monday, January 20, 2014
#NoToElectricityPriceHike
Dagdag
singil ng Meralco na P4.15 kada kilowatt hour, tinutulan ng marami
Nagrali ang grupong Gabriela sa tapat ng Energy Regulatory
Commission o ERC, noong Disyembre 9, 2013 (Ang Bayan, 2013). Ang layon ng rali
ay protesta laban sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco (Ang
Bayan, 2013). Sinasabing ang pagtaas na P4.15 kada kilowatt hour ay mag-uumpisa
ng buwan ng Disyembre 2013 hanggang Marso ng taong kasalukuyan (Ang Bayan,
2014). Ipinatigil
ng Korte Suprema ang pagtataas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company
(Meralco), dalawang linggo matapos pahintulutan ng Energy Regulatory Commission
o ERC (Balitang
Pinoy, 2013). Ayon sa desisyon ng Korte suprema, hindi
maaaring magpataw ng karagdagang P4.15 kada kilowatt hour na singil sa kuryente
ang Meralco sa loob ng dalawang buwan o anim na pung araw (Balitang
Pinoy, 2013). Sa
ika-21 ng Enero taong kasalukuyan nakatakdang dinggin ng korte ang kasong ito (Balitang
Pinoy, 2013).
Upang masupil ang napakalaking pagtaas
ng singil sa kuryente ng Meralco ay inihayag ni Chairman House Committee on
Energy Oriental Mindoro Representative, Reynaldo Umali ang paggamit ng
Malampaya funds (philSTAR, 2014).
Ayon kay Chairman Umali, masyado na diumanong malaki ang P4.15 kada kilowatt
hour na pagtaas ng singil sa kuryente (philSTAR, 2014). Subalit hindi naman direktang masagot ng kongresista
kung magkakaroon ng paglabag sa batas dahil ang ‘Malampaya funds’ ay nakalaan
lamang para sa pagpapalakas ng enerhiya (philSTAR, 2014).
Kung magpapatuloy ang pagtaas ng
singil sa kuryente, maraming mga kababayan natin ang mas lalo pang maghihirap. Marami
ang halos hindi na makaka kain dahil sa katunayan hindi pa man nagtataas ang
singil sa kuryente ay marami ng mga Pilipino ang naghihirap at halos wala ng
makain. Lalo pa kung magtataas ang singil sa kuryente. Baka ang mangyari ay
tuluyan na lamang na kandila ang kanilang gagamitin sa tuwing sasapit ang
dilim. Hindi ba’t masakit isipin na mayroong ilang kalahi natin ang nagtitiis
na kandila lang ang nagsisilbing liwanag sa tuwing sasapit ang dilim. Habang
ang iba ay nagpapakasasa sa hindi naman nila pinagpawisan at kinurakot lamang
nila.
Kung titignan ang pangyayaring ito ayon
sa paningin ng isang bata, masyadong naaapi ang mga walang anoman sa buhay. Dahil
kung ipagpapatuloy nila ang pagtaas ng singil sa kuryente, para na rin nilang
sinabing mamatay na ang mga mahihirap at walang halaga sa bansang ito. Ang
kailangan ng ating bansa ay pagbabago, pagbabago sa sistema ng gobyerno. Ang
mabawasan ang naghihirap, hindi dagdagan o lalo pang pasakitan ang mga
mahihirap.
https://twitter.com/UNTVweb
#CHANGE
#NoToElectricityPriceHike
#WeOPPOSEtheElectricityPriceHike
#CANDLING
References:
Sunday, January 5, 2014
Video Blog - Jaycee C.
LUHA by Aegis performed
by Jaycee C. Online Writing subject requirement.
School: Polytechnic University of the Philippines
Course: Bachelor in Broadcast Communication
Year: 3rd Year
A.Y.: 2013-2014
Professor: Prof. Krupskaya Valila, Online Writing
Note: Pangarap ko talagang umawit kaya ito yung napili kong gawan ng video. :)
School: Polytechnic University of the Philippines
Course: Bachelor in Broadcast Communication
Year: 3rd Year
A.Y.: 2013-2014
Professor: Prof. Krupskaya Valila, Online Writing
Note: Pangarap ko talagang umawit kaya ito yung napili kong gawan ng video. :)
Janine Carla "Jaycee" Costales
Subscribe to:
Posts (Atom)