Thursday, April 10, 2014

Exposition sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas




Isa sa naging remote point ang Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa, Manila sa ginanap na Worldwide Bible Exposition noong ika-pito ng Pebrero taong kasalukuyan. Dinala ang Ang Dating Daan Mobile Coordinating Center sa Polytechnic University of the Philippines Freedom Park. Dahil ito ang pinaka magandang lugar upang makapakinig ang mga bisita pati na rin ang  mga estudyanteng napapadaan lamang.

Naging matagumpay ang nasabing Exposition na dinaluhan ng limampu’t walong bisita. Ang nasabing pagtitipon ay mayroong 116 total attendees. Ilan sa mga naging organizers ay mula sa PUP BREAD Chapter gayundin ang ilang Bible Readers Society members na nagbuhat sa iba’t ibang paaralan. Sa awa at tulong ng Dios ay naging matagumpay ang nasabing pagtitipon, matapos makapakinig ng katuwiran at salita ng Dios na nakabase sa Biblia, ang mga estudyante at ilang professor na dumalo.

#

Article by: Costales, Janine Carla R. 

The Only Sensible Preacher in our time celebrates his 50th Year in Service to God and to Humanity

#BESat50
Brother Eliseo Soriano

Sino ba si Brother Eli?

Si Brother Eli, ay isang mangangaral. Isang taong nangangaral ng salita ng Dios. Isang taong sumasagot sa katanungang pang-espiritwal at Biblikal ng mga tao. Mayroong programang ‘Itanong Mo Kay Soriano, Biblia ang Sasagot’ sa nag-iisang Public Service Channel, UNTV Channel 37.





Anong klaseng lider si Brother Eli?


Ang kapatid na Eli ay isang tapat na mangangaral. Isinugo siya ng Dios sa mga huling araw na ito upang mag-akay ng mga taong maglilingkod sa Dios. Handa siyang magpagal para sa kapakinabangan ng mga tao. Nag-iisa lang siya sa panahon natin ngayon. Kaya’t salamat sa Dios sa pag-iingat Niya sayo. Salamat sa Dios sa isang katulad mo.

Ngayon, Abril 7 taong kasalukuyan ay nagdiriwang ng ika-limampung taong paglilingkod sa Dios at sa mamamayan ang nag-iisang SENSIBLE PREACHER IN OUT TIME, Brother Eliseo Soriano.

Salamat sa Dios sa patuloy na pag-iingat Niya sayo.

Minsang sinabi ni Brother Eli ang mga salitang ito…
“Walang napakagandang pamumuhay sa mundo kundi nabubuhay kang may batayan. You are living with a purpose. Mayroong dahilan at may intensyon ang buhay mo. Hanggang mayroon po akong kaunting lakas at buhay na ipinagkakaloob Ang Makapangyarihang Dios sa lahat. Magsasalita po ako dahil sa inyong kaligtasan.” – Brother Eli Soriano

Thank God for sending us someone like you.


 Happy Happy Happy 50th Year in Service to God and to Humanity Brother Eli. May God guide and bless you always.

#BESat50

#

Article by: Costales, Janine Carla R.