Big Bang Theory
(Retrieved: December 26, 2013)
(Final Draft)
Big Bang Theory – Simulan natin
ang teoryang ito sa pagtukoy sa kahulugan ng salitang teorya. Ang teorya ay
isang ideya na nagpapahayag o nagsasabi ng tila katotohanan ngunit hindi
napatunayang totoo (Merriam Webster, Dictionary). Ang Big Bang Theory ay isang
pag-aaral upang ipaliwanag kung ano ang nangyari sa pasimula ng ating uniberso
(The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ang ating unibersong ginagalawan ay
tunay na may pasimula, ngunit bago ito ay walang anuman, at sa panahon ng
pasimula at pagkatapos nito ay umiral ang isang bagay, ang uniberso (The
Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ang Big Bang Theory ay isang pagsisikap
upang ipaliwanag kung ano ang nangyari sa panahon ng pasimula at pagkatapos ng
sandaling iyon (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ayon sa pamantayang
teorya, ang ating uniberso ay nagsimula sa tinatawag na “singularities” 13.7
bilyong taon na ang nakalilipas (Astrophysical Journal, 1968). Ano ang
tinatawag na “singularities” at saan nga ba ito nanggaling (Astrophysical
Journal, 1968)? Ang mga ito ay sinasabing umiral sa pusod ng mga tinatawag na
“black hole” (Astrophysical Journal, 1968). Ang “black hole” ay ang mga lugar
na kung saan matindi ang gravitational pressure (Astrophysical Journal, 1968).
Sa pamamagitan ng matinding gravitational pressure na ito, nabuo ang isang
materya at naging walang hanggang densidad. Ang mga walang hanggang densidad na
ito ang tinatawag na “singularities” (Astrophysical Journal, 1968). Ang ating
uniberso ay pinaniniwalaan ng iba na nagsimula bilang isang napakaliit at
napakainit na bagay – “singularity” (The Creator: Beyond Time and Space, 1996).
Mula sa paunang estadong ito ng uniberso, ito’y tila namintog, lumawak
at bahagyang lumamig; mula sa napakaliit at napakainit nitong kalagayan hanggang
sa kasalukuyan nitong laki at temperatura (The Creator: Beyond Time and Space,
1996). Hanggang sa ngayon ay patuloy pa itong lumalawak at lumalamig at tayo’y
nasa loob nito (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ito ang Big Bang
Theory (The Creator: Beyond Time and Space, 1996).
Bilang karagdagan, ang mga sumusunod ay ang mga sinasabing pangunahing
ebidensya na sumusuporta sa Big Bang Theory (Astrophysical Journal, 1968):
Ø Una,
makatuwiran lamang na sabihing ang uniberso ay tiyak na may pasimula.
Ø Ikalawa,
ayon sa “Hubble’s Law”, ang kalawakan ay patuloy na lumalayo sa bilis na
proporsyonal sa kanilang distansya. Ang obserbasyong ito ay patunay lamang na
ang uniberso’y patuloy na lumalawak.
Ø Ikatlo,
ayon sa Big Bang Theory, nagpasimula ang uniberso bilang isang napakainit na
bagay. Noong taong 1965, natuklasan ng mga Radio Astronomers na sina Arno
Penzias at Robert Wilson ang 2.725 Kelvin (-454.765 degree Fahrenheit, -270.425
degree Celcius) na “Cosmic Microwave Background (CMB)” na umiiral sa uniberso.
Ito’y pinaniniwalaang isa sa mga labi ng napakatinding init nang pasimulang
uniberso.
Ø Higit sa
lahat, ang kasaganaan ng “light elements” na hydrogen at helium sa uniberso ay
sumusuporta sa pangunahing ideya ng Big Bang Theory.
Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling kahinaan ng Big Bang Theory ang
katanungang saan nagpasimula ang gravitational pressure na naging dahilan ng
pag-iral ng “singularities” (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Kaya
naman ilang mga teorya pa ang lumitaw at ang mga ito’y tinatawag na
Inflationary Universe Theories (IUT’s), ngunit sa kabila nito, nananatiling
palaisipan pa rin ang sagot sa katanungang, “Ano ang nangyari sa unang
millisecond bago ang pagsabog?” (The Priveleged Planet, 2004). Samakatuwid, ang
Big Bang Theory at ang mga sumunod na teorya rito ay kumakaharap sa parehong
kritisismo at problema, kabilang na rito ang paglabag sa natural na batas gaya
ng “Law of Causality” – ang bawat resulta ay may katumbas na sanhi (The
Priveleged Planet, 2004).
Una sa lahat, sa aking opinyon, ang Big Bang Theory ay isang paraan
upang ipaliwanag ng mga Ateista ang kanilang paniniwala na walang Diyos. Ito’y
tahasang hindi pagkilala sa kapangyarihan at kakayanan ng Maylalang.
Ayon sa Biblia, sa Genesis 1:1, “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang
mga langit at ang lupa.” Ang pangunahing Arkitekto na nagdisenyo ng lahat ng
mga bagay na ating nakikita at makikita pa ay walang iba kundi ang
Makapangyarihang Ama. Sabihin na nga nating nagsimula ang lahat sa isang
malakas at matinding pagsabog, ngunit paano nangyaring ito’y nagresulta sa
isang napakaayos at organisadong uniberso? Paanong napanatili at napananatiling
nasa lugar ang lahat hanggang sa kasalukuyan? Maaaring sabihin ng mga
siyentipiko na ito’y dahil sa “gravity”. Kung wala ang gravity na ito, wala
ring planeta, mga bituin, at kahit na ano pang umiiral. Maaari rin naming
sabihin ng mga siyentipiko at astrolohiko na ang kompleksidad ng mga
“gravitational forces” sa uniberso ay kayang ipaliwanag sa pamamagitan ng
simpleng ekwasyon (The Priveleged Planet, 2004). Ngunit sa kanila rin naman
mismo nanggaling na ang mga ekwasyong ito ay nangangailangan ng “constant” na
numero na tinatawag din nilang “fundamental constants of nature”, at kung
magkakaroon ng kahit kaunting pagbabago sa mga numerong ito, ay maaapektuhan
ang kaayusan ng buong uniberso (The Priveleged Planet, 2004). Ang pahayag na
ito ay katunayan lamang din ng mga nasusulat sa Biblia, sa mga aklat ng
Levitico at Deuteronomio, ating tunghan: Sa Levitico 19:35, “Huwag kayong
gagawa ng kalikuan sa paghatol, sa PAGSUKAT, sa PAGTIMBANG, o sa PAGTAKAL.” At
sa Deuteronomio 25:15, “Isang tunay at tapat na panimbang magkakaroon ka; isang
tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: upang ang iyong mga araw ay tumagal
sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.” Sa mga
talatang ito natin malinaw na mauunawa na mayroong tamang sukat at timbang ang
lahat ng mga bagay, at hindi natin ito maaaring galawin kundi ay hindi tatagal
ang ating buhay sa ibabaw ng lupa.
Bilang karagdagan, papaanong ang isang malaking tumpok ng wala ay
magsasama at sasabog o lalawak? O baka naman hindi lamang nauunawaan ng mga
ateistang siyentipiko ang tamang kahulugan ng “wala”?
REFERENCES:
· - Steven W. Hawking, George F.R. Ellis, “The Cosmic
Black-Body Radiation and the Existence of Singularities in our Universe,”
Astrophysical Journal, 152, (1968) pp. 25-36 (Retrieved: December 26, 2013)
· - Steven W. Hawking, Roger Penrose, “The
Singularities of Gravitational Collapse and Cosmology”, Proceedings of the
Royal Society of London, Series A, 314 (1970) pp. 529-548 (Retrieved: December
26, 2013)
· - Mark Eastman, Chuck Missler, The Creator: Beyond
Time and Space (1996) p.11 (Retrieved: December 26, 2013)
· - W. Wayt Gibbs, “Profile: George F.R. Ellis”, Scientific
American, October 1995, Vol. 273, No. 4, p.55 (Retrieved: December 26, 2013)
- http://www.halos.com/reports/arxiv-1998-affirmed.pdf