Thursday, December 26, 2013

Ang Teorya: BIG BANG THEORY

Big Bang Theory

(Retrieved: December 26, 2013)


(Final Draft)

Big Bang Theory – Simulan natin ang teoryang ito sa pagtukoy sa kahulugan ng salitang teorya. Ang teorya ay isang ideya na nagpapahayag o nagsasabi ng tila katotohanan ngunit hindi napatunayang totoo (Merriam Webster, Dictionary). Ang Big Bang Theory ay isang pag-aaral upang ipaliwanag kung ano ang nangyari sa pasimula ng ating uniberso (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ang ating unibersong ginagalawan ay tunay na may pasimula, ngunit bago ito ay walang anuman, at sa panahon ng pasimula at pagkatapos nito ay umiral ang isang bagay, ang uniberso (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ang Big Bang Theory ay isang pagsisikap upang ipaliwanag kung ano ang nangyari sa panahon ng pasimula at pagkatapos ng sandaling iyon (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ayon sa pamantayang teorya, ang ating uniberso ay nagsimula sa tinatawag na “singularities” 13.7 bilyong taon na ang nakalilipas (Astrophysical Journal, 1968). Ano ang tinatawag na “singularities” at saan nga ba ito nanggaling (Astrophysical Journal, 1968)? Ang mga ito ay sinasabing umiral sa pusod ng mga tinatawag na “black hole” (Astrophysical Journal, 1968). Ang “black hole” ay ang mga lugar na kung saan matindi ang gravitational pressure (Astrophysical Journal, 1968). Sa pamamagitan ng matinding gravitational pressure na ito, nabuo ang isang materya at naging walang hanggang densidad. Ang mga walang hanggang densidad na ito ang tinatawag na “singularities” (Astrophysical Journal, 1968). Ang ating uniberso ay pinaniniwalaan ng iba na nagsimula bilang isang napakaliit at napakainit na bagay – “singularity” (The Creator: Beyond Time and Space, 1996).

Mula sa paunang estadong ito ng uniberso, ito’y tila namintog, lumawak at bahagyang lumamig; mula sa napakaliit at napakainit nitong kalagayan hanggang sa kasalukuyan nitong laki at temperatura (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Hanggang sa ngayon ay patuloy pa itong lumalawak at lumalamig at tayo’y nasa loob nito (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Ito ang Big Bang Theory (The Creator: Beyond Time and Space, 1996).

Bilang karagdagan, ang mga sumusunod ay ang mga sinasabing pangunahing ebidensya na sumusuporta sa Big Bang Theory (Astrophysical Journal, 1968):

Ø  Una, makatuwiran lamang na sabihing ang uniberso ay tiyak na may pasimula.
Ø  Ikalawa, ayon sa “Hubble’s Law”, ang kalawakan ay patuloy na lumalayo sa bilis na proporsyonal sa kanilang distansya. Ang obserbasyong ito ay patunay lamang na ang uniberso’y patuloy na lumalawak.
Ø  Ikatlo, ayon sa Big Bang Theory, nagpasimula ang uniberso bilang isang napakainit na bagay. Noong taong 1965, natuklasan ng mga Radio Astronomers na sina Arno Penzias at Robert Wilson ang 2.725 Kelvin (-454.765 degree Fahrenheit, -270.425 degree Celcius) na “Cosmic Microwave Background (CMB)” na umiiral sa uniberso. Ito’y pinaniniwalaang isa sa mga labi ng napakatinding init nang pasimulang uniberso.
Ø  Higit sa lahat, ang kasaganaan ng “light elements” na hydrogen at helium sa uniberso ay sumusuporta sa pangunahing ideya ng Big Bang Theory.

Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling kahinaan ng Big Bang Theory ang katanungang saan nagpasimula ang gravitational pressure na naging dahilan ng pag-iral ng “singularities” (The Creator: Beyond Time and Space, 1996). Kaya naman ilang mga teorya pa ang lumitaw at ang mga ito’y tinatawag na Inflationary Universe Theories (IUT’s), ngunit sa kabila nito, nananatiling palaisipan pa rin ang sagot sa katanungang, “Ano ang nangyari sa unang millisecond bago ang pagsabog?” (The Priveleged Planet, 2004). Samakatuwid, ang Big Bang Theory at ang mga sumunod na teorya rito ay kumakaharap sa parehong kritisismo at problema, kabilang na rito ang paglabag sa natural na batas gaya ng “Law of Causality” – ang bawat resulta ay may katumbas na sanhi (The Priveleged Planet, 2004).

Una sa lahat, sa aking opinyon, ang Big Bang Theory ay isang paraan upang ipaliwanag ng mga Ateista ang kanilang paniniwala na walang Diyos. Ito’y tahasang hindi pagkilala sa kapangyarihan at kakayanan ng Maylalang.

Ayon sa Biblia, sa Genesis 1:1, “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa.” Ang pangunahing Arkitekto na nagdisenyo ng lahat ng mga bagay na ating nakikita at makikita pa ay walang iba kundi ang Makapangyarihang Ama. Sabihin na nga nating nagsimula ang lahat sa isang malakas at matinding pagsabog, ngunit paano nangyaring ito’y nagresulta sa isang napakaayos at organisadong uniberso? Paanong napanatili at napananatiling nasa lugar ang lahat hanggang sa kasalukuyan? Maaaring sabihin ng mga siyentipiko na ito’y dahil sa “gravity”. Kung wala ang gravity na ito, wala ring planeta, mga bituin, at kahit na ano pang umiiral. Maaari rin naming sabihin ng mga siyentipiko at astrolohiko na ang kompleksidad ng mga “gravitational forces” sa uniberso ay kayang ipaliwanag sa pamamagitan ng simpleng ekwasyon (The Priveleged Planet, 2004). Ngunit sa kanila rin naman mismo nanggaling na ang mga ekwasyong ito ay nangangailangan ng “constant” na numero na tinatawag din nilang “fundamental constants of nature”, at kung magkakaroon ng kahit kaunting pagbabago sa mga numerong ito, ay maaapektuhan ang kaayusan ng buong uniberso (The Priveleged Planet, 2004). Ang pahayag na ito ay katunayan lamang din ng mga nasusulat sa Biblia, sa mga aklat ng Levitico at Deuteronomio, ating tunghan: Sa Levitico 19:35, “Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol, sa PAGSUKAT, sa PAGTIMBANG, o sa PAGTAKAL.” At sa Deuteronomio 25:15, “Isang tunay at tapat na panimbang magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.” Sa mga talatang ito natin malinaw na mauunawa na mayroong tamang sukat at timbang ang lahat ng mga bagay, at hindi natin ito maaaring galawin kundi ay hindi tatagal ang ating buhay sa ibabaw ng lupa.

Bilang karagdagan, papaanong ang isang malaking tumpok ng wala ay magsasama at sasabog o lalawak? O baka naman hindi lamang nauunawaan ng mga ateistang siyentipiko ang tamang kahulugan ng “wala”?






REFERENCES:
·       -  Steven W. Hawking, George F.R. Ellis, “The Cosmic Black-Body Radiation and the Existence of Singularities in our Universe,” Astrophysical Journal, 152, (1968) pp. 25-36 (Retrieved: December 26, 2013)

·        - Steven W. Hawking, Roger Penrose, “The Singularities of Gravitational Collapse and Cosmology”, Proceedings of the Royal Society of London, Series A, 314 (1970) pp. 529-548 (Retrieved: December 26, 2013)

·         - Mark Eastman, Chuck Missler, The Creator: Beyond Time and Space (1996) p.11 (Retrieved: December 26, 2013) 

·         - W. Wayt Gibbs, “Profile: George F.R. Ellis”, Scientific American, October 1995, Vol. 273, No. 4, p.55 (Retrieved: December 26, 2013)

http://www.halos.com/reports/arxiv-1998-affirmed.pdf

Friday, December 13, 2013

Big Bang Theory

BLOG – Big Bang Theory (Critique)



The Big Bang theory is an effort to explain what happened at the very beginning of our universe. Discoveries in astronomy and physics have shown beyond a reasonable doubt that our universe did in fact have a beginning. Prior to that moment there was nothing; during and after that moment there was something: our universe. The big bang theory is an effort to explain what happened during and after that moment.  According to the standard theory, our universe sprang into existence as "singularity" around 13.7 billion years ago. What is a "singularity" and where does it come from? Singularities are zones which defy our current understanding of physics. They are thought to exist at the core of "black holes." Black holes are areas of intense gravitational pressure. The pressure is thought to be so intense that finite matter is actually squished into infinite density (a mathematical concept which truly boggles the mind). These zones of infinite density are called "singularities". [According to http://www.big-bang-theory.com/]


Our universe is thought to have begun as an infinitesimally small, infinitely hot, infinitely dense, something - a singularity.  After its initial appearance, it apparently inflated (the "Big Bang"), expanded and cooled, going from very, very small and very, very hot, to the size and temperature of our current universe. It continues to expand and cool to this day and we are inside of it: incredible creatures living on a unique planet, circling a beautiful star clustered together with several hundred billion other stars in a galaxy soaring through the cosmos, all of which is inside of an expanding universe that began as an infinitesimal singularity which appeared out of nowhere for reasons unknown. This is the Big Bang theory. [According to http://www.big-bang-theory.com/]



Our God Almighty created the universe/earth. As it is written in the Bible, in Genesis 1:1, “In the beginning God created the heaven and the earth”. The Master Architect of this universe/earth is only GOD and no other than Him. There’s no such happening as giant or big explosion nor did a fireball exist. Therefore, Big Bang Theory is not true because there’s no such thing as a giant explosion and after the explosion it became organized, common sense dictates that wreckage is the aftermath of erosion. In the first place, how can a huge mass or quantity of nothing collide itself and explode when in fact it was clearly stated that is was NOTHING?

Saturday, December 7, 2013

Thesis Topic Proposal




December 8, 2013    6:13 a.m.




As I wake up this morning, the first thing that came into my mind was our Thesis. Thesis as we all know is a dissertation embodying results of original research and especially substantiating a specific view. It is a prerequisite for graduation. I woke up at around 6:13 a.m. and went back to sleep.




Nagising ako ulit ng 6:30 a.m. dahil sa alarm. Pagkagising ko, Thesis pa rin ang nasa isip ko. Honestly, wala pa talaga kaming maayos na Thesis Topic dahil wala pang ina-approve. More than thirty topics na ang nai-submit naming sa kanya pero wala pa ring na-aapprove kahit isa. Hanggang sa mga oras na ito ay nag-iisip pa rin kami ng Thesis Topic Proposal. Sa katunayan, marami na talaga. Isa na rito si Gloc 9, ang kanyang mga likhang awit. Gusto na talaga naming may ma-approve na topic para makapagsimula na kami sa introduction.



While doing are research for Thesis Topic Proposal.

Groupmates (Jossana, Jaycee, Reseline, Natallie)